Unahin ko muna ang community immersion ninyo- I dont know when youll be taking it but youll be taking it in Batangas- together with the College of Nursing, multidisciplinary approach daw.
Surgery (ward 2 and 4)- kilalanin si Dr. Dela Pena ng mabuti, nagmumura sa mga interns at pati na sa mga residente
Psych (ward 7)- magingat sa pagbibigay ng anti psychotics, manage your time well dahil malalaman mo na lang na ang pasyente ay nagconsume ng major proportion ng time mo; kilalanin si Ms. Mabale at Mrs. Palomeno (mga nurses); tatanga tanga si Dr. Castro so maghanap ka ng ibang mentor mo sa psych (I forgot the name of the tall, chinito doctor na maraming nagkakacrush- lalo na yung mga baliw, magaling sya magbigay ng advice)
Otorhinolaryngo (ward 10)- mayabang si Dr. Remulla, competent doctor. Learn all that you can especially from Dr. Caparas- the great Dr. Caparas. Kung makakapagscrub in ka sa cases nya, maging aggressive ka sa pagkuha non dahil halos epitomy sya ng mga surgeons. Dr. Lopa is medyo mayabang but very good.
Burn unit- makisama sa mga nurses ng mabuti, pagsinabi nilang kunan nyo ng litrato yung mga batang nasunog, kunan nyo kaagad as soon as you have the camera. Naka expose kasi yung mga bata at sira ang thermoregulation nila- trust me, marami kaming mga interns at clerks na inaway dahil dito and believe me, magsusumbong sila sa mga residents or consultants kung saan kayo maa- under.
Neuro- Dr. De Guzman, very amible doctor- ANG GALING SOBRA, matututo kayo di lamang ng mga dapat nyong malaman sa field ninyo kundi pati na rin sa pakikitungo sa ibang tao- perfection scale with 10 being the highest, 10
Medicine- toxic at masyado maraming doktor, mahalin ang mga nurses dahil pag wala na ang pasyente, meron silang mga reserbang gamit para gamitin ninyo
OPTHA- mahalin ang mga nurses dahil mas kasama nyo sila kaysa sa mga doktor lalo na sa ward. Sa SOJR, airconed naman at relatively benign. Magpraktis ng insertion ng IV lalo na sa mga pedia clients
PEDIA- mag practice ng insertion ng IV dito. Kawawa naman kung buburdahan natin yung mga bata diba?
ER- kumain ng agahan- amoy dugo parati, alamin ang ABC (airway, breathing and circulation), 2 minutes ang compression bago makipagpalit, tinuruan na naman kayo magbasa ng ECG diba? Maging listo sa pagalam ng mga bagay bagay- dopa, catheter, syringe, gloves, trache set, suction, IV lines, NSS at iba pa.
Marami pa akong gustong sabihin pero mukhang overwhelming na. Good luck and will be praying for you.